God created life
24 Then God said, “Let the earth bring forth the living creature according to its kind: cattle and creeping thing and beast of the earth, each according to its kind”; and it was so. 25 And God made the beast of the earth according to its kind, cattle according to its kind, and everything that creeps on the earth according to its kind. And God saw that it was good.
Genesis 1:24-25 (NKJV)

Kung titingnan mo itong gagambang ito, ang galing rin nito, no? Kailan niya kaya naisipan na gumamit ng sapot? Sabihin na natin na yung itsura o color nya ay depende sa diet, at pasok pa rin ‘yon sa idea ng evolution. Pero para sa akin, katiting pa rin ‘yung parteng ‘yon para maniwala sa kabuuang ideya ng evolution.
Hirap pa rin para sa akin arukin kung paano niya natutunan gumawa ng sapot at gamitin ito nang ganon, gumawa ng bahay nya o web tapos saputan yung mga nahuhuli nya. Para sa akin, may totoong nagdisenyo nito — at ito ang Diyos.
Sa totoo lang, dati hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin ang tungkol sa buhay. Para sa akin, alam kong may Diyos, pero hindi pa ganoon kaseryoso ang paniniwala ko kasi pinalaki akong ganoon bilang Kristiyano—may mga memorization pa ng Bible verses sa school namin hanggang dun lang parang kwento lang na fantasy.
Pero minsan talaga, nare-realize ko kung ganito ito kaseryoso ang buhay o mabuhay, tapos titingnan ko ang sarili ko, maiisip ko… ang galing naman kung nag-evolve tayo. Sino ba ang nagdecide na magkaroon tayo ng dalawang kamay? Paano “naisip” ng katawan na mag-evolve para magkaroon ng mga pandama—tulad ng pandinig, pang-amoy, panlasa?
Mas lalo pa ang tungkol sa paningin. Isipin mo, hindi talaga kaya ng utak ko maunawaan kung paano out of nowhere, isang cell ay magiging ganoon sa pamamagitan ng evolution in billion billion years. Curious pa rin ako tungkol sa primordial soup, kasi sabi nila doon daw nagsimula ang buhay.
Kung hindi ka naniniwala sa Diyos at iisipin mo lang na dahil sa Big Bang theory ay aksidente lang tayong nabuo at nag-evolve, ang hirap arukin. Yung konsepto pa lang ng sex mahirap na intindihin—hindi lang sex mismo ha, kundi pati ang ideya ng gender. Kung nag-evolve tayo, kailan “naisip” ng katawan na ikaw ay magiging babae at ako ay lalaki?